Nagkaloob ng food cart business at ukay-ukay store ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang low-income families sa Pangasinan sa ilalim ng Livelihood Assistance Grant nito.
Partikular na nakinabang sa programa ay ang small business owners na napilitang magsara dahil sa pandemya.
Noong 2021, umabot sa P23.3 billion na halaga ng livelihood assistance ang naipagkaloob sa may 109,000 na benepisyaryo sa buong bansa sa ilalim ng SLP.
Ngayong 2022, tiniyak ng DSWD na mas palalawakin pa ang implementasyon ng programa upang maitawid ang mga low income families sa epekto sa kabuhayan ng nararanasang health crisis.
Facebook Comments