Teaser ng bagong pelikula ni Diego Loyzaga kasama si Nadine Lustre, ipinasilip na!

Matapos ang hiwalayan sa kaniyang ex-girlfriend na si Barbie Imperial, ipinasilip na sa publiko ang mabibigat ang eksena ng pelikulang “Greed” na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at Nadine Lustre.

Base sa teaser na ipinalabas ng direktor na Yam Laranas, tumaya ng lotto sina Nadine at Diego at nagdiwang matapos na manalo.

Pero sa huling bahagi ng clip ay makikita ang ilang intense na eksena kung saan mayroong pinagtataga si Nadine at tumatawa habang duguan.


Umani naman ng papuri mula sa mga netizen ang acting skills ni Nadine at nag-trending pa sa mga social media.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na petsa kung kailan ipapalabas ang naturang pelikula.

Facebook Comments