Nagkaloob na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro.
Sa kaniyang kauna-unahang press briefing, sinabi ni Secretary Rex Gatchalian na nagkaloob na sila ng mga tent para may mapaglagyan sa mga pasyenteng ginagamot o inilikas.
Pagkakalooban naman ng livelihood programs ang mga sinalanta ang kanilang kabuhayan gaya ng mga may-ari ng mga grocery store.
Nakikipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng mga Local Government Unit para matukoy ang pagkakalooban ng kabuhayan.
Nagsasagawa na rin ng kaukulang assessment ang mga tauhan ng mga ito para malaman kung anong uri ng livelihood programs ang ibibigay sa kanila ng DSWD.
Facebook Comments