DOJ, may ginagawa ng aksyon sa pagkuwestiyon ni Dr. Raquel Fortun sa autopsy kay Kian Delos Santos

Tiniyak ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na may ginagawa na silang proseso kaugnay sa pagkuwestiyon ni Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortum sa autopsy kay Kian Delos Santos.

Ayon kay Remulla, na-turn over na sa kanya ang mga dokumento kaugnay ng resulta ng autopsy kay delos Santos na biktima ng drug war.

Tinatrabaho na rin aniya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kasong may kinalaman sa drug war ng nakalipas na administrasyon.


Sinabi pa ni Remulla na magkakaroon sila ng dayalogo sa pamilya Delos Santos at sa iba pang kaanak ng mga biktima ng giyera kontra iligal na droga.

Layon nito na makuhanan ng testimonya ang naturang mga pamilya.

Facebook Comments