Naglaan ng mahigit P374.3 million ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para pagkalooban ng ayudang pinansyal ang abot sa 123,000 na pamilya na apektado ng shearline sa Northern Samar.
Inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Field Office-8 (Eastern Visayas) na tulungan ang mga pamilya sa Northern Samar na makarekober mula sa epekto ng shear na naranasan ng lalawigan noong November 2023.
Sa katunayan, sinimulan na ng DSWD Eastern Visayas ang distribusyon ng cash assistance sa mga pamilya sa Northern Samar sa ilalim ng Department’s Emergency Cash Transfer (ECT) program.
Nakapagpamahagi na ang Field Office ng cash aid na nagkakahalaga ng P32.7 sa may 10,781 beneficiaries sa iba’t ibang munisipalidad doon.
Facebook Comments