PNP-AVSEGROUP at local airlines, nagsanib-pwersa kontra sa tumataas ng kaso ng bomb jokes

Nagsanib-pwersa ang Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) at ang Local airlines para sa malawakang information dissemination campaign para mamulat ang publiko sa pananagutan sa batas hinggil sa bomb threat o bomb jokes sa loob ng eroplano.

Ayon kay PNP-AVSEGROUP Chief Director Gen. Jack Wanky, sa naging pagpupulong ng Civil Aeronautics Board at local airlines ay napagkasunduan ang naturang kampanya.

Sa harap ito ng lumalaganap na bomb jokes na nagreresulta ng domino effect sa maraming flights.


Nagbabala naman si PNP-AVSEGROUP Investigation Head Col. Gary Reyes na mabigat ang parusang kakaharapin ng mga nasasangkot sa bomb jokes ay bomb threats.

Partikular na kakaharapin nilang kaso ang paglabag sa kaso ang paglabag sa Presidential Decree 1727, o kilala rin bilang Anti-Bomb Joke Law.

Facebook Comments