Inatasan ngayon ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na magsagawa ng internal investigation para malaman kung mayroon mga opisyal at tauhan ng ahensiya na sinasabing sangkot sa pamamahagi ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) sa mga pumirma para sa People’s Initiative (PI).
Una ng pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may kinalaman ang ahensiya sa paggamit ng AICS sa pangangalap ng pirma para sa charter change (CHA-CHA) sa pamamagitan ng People’s Initiative.
Ayon kay DSWD Spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na walang social workers na nagbigay ng cash assistance sa mga pumirma sa People’s Initiative.
Paliwanag pa ni Lopez, ang mga initiator ng People’s Initiative na nangangalap ng pirma ang nangako na makatatanggap ng AICS ng DSWD ang pipirma para sa People’s Initiative.
Matatandaan na nakadalawang imbestigasyon na ang Senado tungkol sa ayuda scam at People’s Initiative nina Senador ‘Bato’ Dela Rosa at Senadora Imee Marcos ni isa wala silang na identify na mayroong social workers ng DSWD na sangkot.
Sa isinagawang imbestigasyon sa Senado naglabas ng video footages si Senadora Imee Marcos na tumanggap ng pera ang mga pumirma para sa People’s Initiative gamit ang pondo ng AICS ng DSWD.