𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡

Sugatan ang isang singkwenta y singko anyos na magsasaka matapos itong barilin sa bayan ng Mapandan.

Nakilala ang biktima na si Fernando Guba habang ang suspek ay nakilalang si Arnel Espiritu, parehong residente ng Barangay Luyan sa nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Mapandan, nasa kanyang bukid ang biktima na nagpapastol ng baka ng dumating ang lasing na suspek at agad na binaril ang biktima sa kanyang kaliwang pisngi.

Agad naman itong isinugod sa pagamutan at ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan habang ang suspek na naunang tumakas ay naaresto sa follow-up operation.

Nakuha mula sa suspek ang isang magnum caliber 22 na may limang bala nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments