DSWD, nagsasagawa na ng assessment sa higit isandaang pamilya na naapektuhan ng landslide kagabi sa Davao de Oro

Nagsasagawa na ng assessment ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 11 sa mga naapektuhan ng landslide kagabi sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro.

Ito ay para sa pagkakaloob ng tulong sa 111 na pamilya o 356 indibidwal na inilikas dahil sa naganap na landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro.

Sa ulat ng DSWD, nasa evacuation centers na ang mga evacuee.


Nasa walong pamilya o katumbas ng 33 indibidwal ang dinala sa Nuevo Iloco Elementary School, tatlong pamilya o 14 na indibidwal sa Nueva Visayas Elementary School.

Samantala, abot sa 100 pamilya o 309 na indibidwal ang dinala naman sa Andili National High School.

Nangyari ang landslide malapit sa mining site sa Barangay Masara ng probinsya na nakaranas din ng masamang panahon sa nakalipas na mga araw.

Facebook Comments