‘Politika’ na may kaugnayan sa Cha-cha, anggulo ng PNP sa bomb threat sa Kamara

Tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng anggulo sa kanilang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring bomb threat sa Kamara, kamakailan.

Sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, hindi nila inaalis ang anggulong politikal kabilang na ang isyu sa Charter-change (Cha-cha) o pag-amyenda sa Saligang Batas.

Kaugnay nito, nagdagdag na ng K9 unit ang PNP para matiyak ang seguridad sa Kamara.


Nagpapatuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa House of Representative para sa political, ipinatutupad na security measures sa loob at labas ng Kamara.

Samantala, hindi pa tinutukoy ni Acorda kung sino ang nasa likod ng bomb threat dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments