DSWD, naibigay na ang cash assistance ng Pinoy repatriates mula Israel

Naipagkaloob na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang financial assistance para sa second batch ng Filipino repatriates mula sa Israel na umuwi ng bansa noong Biyernes.

Hanggang kahapon, umabot na sa 34 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naasistehan ng DSWD sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ayon sa DSWD, bawat repatriated OFW ay nakatanggap ng P10,000 cash aid at food assistance na nagkakahalaga ng P10,000.


Pagtitiyak ng ahensya na makakatanggap din ng ibang services ang mga OFW mula sa DSWD field offices.

Matatandaan na umabot na sa 34 na OFWs ang naasistehan ng DSWD sa pamamagitan ng AICS program.

Facebook Comments