DSWD, naka-blue alert status na bilang paghahanda sa Bagyong Crising

Itinaas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang alerto sa blue alert status bilang paghahanda sa Bagyong Crising.

Partikular na nakatutok sa bagyo ang DSWD Disaster Risk Command Center.

Ayon sa DSWD, 24 oras nang nakatutok at nakabantay ang ahensiya para agad makaalalay sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Tuloy-tuloy rin ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang local government unit para matiyak na mabilis nilang maihahatid ang tulong.

Una nang sinabi ng DSWD na mayroon silang ₱2.9 billion na relief resources na nakahandang gamitin sa mga kalamidad.

Facebook Comments