Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para transition plan ng susunod na administrasyon.
Sa Fellowship with the Media sa Quezon City, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, na bagamat wala pang matunog na illalagay na susunod na Kalihim, nais ng ahensya na mas magiging maayos ang pag transition ng gawain sa papasok na administrasyon ni presumptive Bongbong Marcos.
Ani Dumlao, binubuo na nila ang ang transition handbook na naglalaman ng mga accomplishments at mga programang kinakailangang higit pang palakasin.
Inaasahang iuulat mamaya ni Secretary Rolando Bautista ang mga nagampanan ng kaniyang administrasyon partikular sa paghahatid ng serbisyo sa mga kapuspalad.
Isang Fellowship with the Media ang isinasagawa ngayon sa QC upang makapagpasalamat ang ahensya sa Media sa mabungang partnership.