Partial proclamation sa mga nanalong party-list groups, pinag-aaralan na ng COMELEC

228

Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagdaraos ng partial proclamation para sa mga nanalong partylist groups.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, uunahin muna nila ang mga nasa taas sa ranking.

Gayunman, uunahin muna ng poll body ang proklamasyon sa mga nanalong senador sa papasok na linggo.


Ito ay dahil may formula aniya sa pag-compute sa total votes na makukuha ng bawat partylist, alinsunod sa Partylist Act.

Alinsunod sa batas, 63 seats ang nakalaan sa Kongreso para sa partylist groups.

Facebook Comments