Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng dagdag na tulong ang mga Local Government Units (LGUs) na apektado ng bagyong Maring para masiguro na may sapat na provision ng relief assistance sa mga apektadong pamilya.
Mayroong stockpiles at standby funds ang DSWD na nagkakahalaga ng ₱1.06 billion mula sa naturang halaga, ₱133 million ay available stand by funds ng DSWD Central Office at ng mga Field Offices.
Aabot naman sa 381,893 family food packs ang naka-prepositioned sa strategic locations sa mga lugar na hinagupit ng bagyo.
Batay sa monitoring ng DSWD, nasa 2,137 na pamilya o katumbas ng 7,842 na indibidwal ang apektado ng Bagyong Maring sa National Capital Region, Region 02 at Cordillera Administrative Region.
Abot sa 762 families o 2,536 persons ang kasalukuyang nagkakanlong sa 58 evacuation centers .
Activated na ang Quick Response Teams ng DSWD sa mga apektadong lugar at nasa alert status upang asisitihan ang mga concerned LGUs .