DSWD, nakapag-preposition na ng relief supplies sa mga lalawigang inulan dahil sa trough ng LPA

Nakapag-preposition na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga relief item sa mga strategic location sa Western Visayas, Northern Mindanao at sa Davao Region.

Batay sa ulat ng DSWD Field Office 6, mayroon nang 14,900 family food packs (FFPs) ang sinimulan nang ipamahagi sa Western Visayas.

Sa Northern Mindanao naman, aabot din sa higit 34,000 FFPs ang nakahanda na para ipamahagi sa Local Government Units (LGUs).


Sa kasalukuyan, mayroon nang higit sa 1,300 pamilya o 6,345 indibidwal mula sa Lanao del Norte ang naitalang apektado ng mga pag-ulan na dulot ng trough ng Low Pressure Area (LPA).

Aabot naman sa ₱123,000 na halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi na rin ng DSWD sa mga apektado ng pagbaha sa Davao Region.

Batay sa inisyal na ulat ng kagawaran, mayroon nang 5,123 pamilya o 17,048 indibidwal ang apektado sa Davao Region dahil sa insidente ng pagbaha.

Aabot na rin sa 202 pamilya at 702 indibidwal ang kasalukuyang nasa anim na evacuation centers sa Davao del Norte.

Facebook Comments