DSWD, nakapagkaloob na ng  higit ₱3.6 milyon halaga ng tulong sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Aghon

Higit ₱3.6 milyon na halaga ng tulong ang naibigay na ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado  ng Bagyong Aghon.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, kabilang sa mga nahatiran  na ng  ayuda ay  ang CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at Eastern Visayas.

Nasa higit 36,000 pamilya o higit 128,000 indibidwal ang apektado ng Bagyong Aghon sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.


Ilang sa mga pamilyang ito ay tumutuloy sa mga evacuation center sa NCR at CALABARZON.

Tiniyak naman ni Asec. Dumlao na handa ang DSWD na magbigay ng karagdagang tulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Patuloy pa rin ang pamamahagi ng family food packs at mainit na pagkain sa mga apektadong pamilya.

Sa ngayon, nananatili ang mahigit ₱2.8 bilyon ang standby funds ng DSWD para matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Facebook Comments