Malaking kontribusyon ng Philippine Red Cross sa paglaban sa COVID-19, kinilala ng International Federation of Red Cross

Kinikilala ng International Federation of Red Cross ang naging kontribusyon ng Philippine Red Cross sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa kanyang talumpati sa World Disasters Report sa Makati City, pinasalamatan din ni International Federation of Red Cross President Kate Forbes ang Philippine Red Cross sa malaking tulong nito sa komunidad at sa pamahalaan ng Pilipinas.

Tiniyak naman ni Philippine Red Cross Chairman and CEO Richard Gordon na pinaghahandaan na rin nila ang nalalapit na La Niña phenomenon lalo na’t inaasahang magdudulot ito ng mga pagbaha.


Una nang ideneklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan.

Facebook Comments