DSWD, nakapagpamahagi na ng mahigit P99-B cash aid sa ilalim ng SAP

Mahigit P99 billion na ang naipamahaging ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 17.5 milyong benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, kabilang sa mga naayudahan ay ang 13.24 milyong low-income non-Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries na aabot sa P80.24 billion.

Aniya, mayroon na ring 1,505 Local Government Units (LGUs) mula sa 1,634 ang nakakumpleto sa pamamahagi ng SAP.


Nasa 111 LGUs naman ang nakapagsumite na ng liquidation report sa kanilang mga field offices.

Facebook Comments