Pag-deport at pag-blacklist sa mga Chinese nationals na sangkot sa underground clinics,  iginiit ni Senator Hontiveros

23

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na hindi pwede ang higpit natin sa mga Pilipino pero maluwag tayo sa mga Chinese na sangkot sa krimen.

Ayon kay Hontiveros, dapat i-deport at i-blacklist agad ang mga Chinese nationals na nahuling iligal na nagpapatakbo ng medical facilities para sa mga Chinese patients na hinihinalang may COVID-19.


Binigyang-diin ni Hontiveros na ang garapalang iligal na aktibidad ng mga Chinese ay insulto sa mga batas at insulto rin sa bawat Pilipinong sumusunod sa quarantine measures.

Pahayag ito ni Hontiveros matapos ang magkakasunod na raid sa mga establisyemento sa Parañaque, Pampanga at Makati na natuklasang ginagamit bilang mga ospital at pharmacy para sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at iba pang Chinese nationals.

Ayon kay Hontiveros, ang mga Chinese na nasa likod nito ay dapat sampahan ng mga kasong paglabag sa Food and Drug Administration Law, Medical Act of 1959 at Hospital Licensure Act.

Facebook Comments