Abot na sa P208-M na halaga ng relief supplies ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga sinalanta ng sunod-sunod na kalamidad.
Kabilang sa mga naipamahagi ay mga food at non-food items.
Para sa mga sinalanta ng Bagyong Quinta, nagkaloob ng P5.4-M na halaga ng tulong ang ahensya sa may 205,000 na pamilya sa Calabarzon, MIMAROPA, Regions 6 at 7.
Nasa P85.2 million naman ang naipamahagi sa Rolly-affected areas.
Mula rito, P64.2 million ay naibigay sa Bicol Region partikular sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, at Albay.
P117.8 million na halaga ng ayuda ang naipalabas sa mga apektadong pamilya ng Bagyong Ulysses sa Region 1, 2, 3, Calabarzon, Region 5, National Capital Region (NCR), at Cordillera Administrative Region (CAR).