DSWD, nakapamahagi na ng higit P19 billion sa ikalawang bugso ng Social Amelioration Program

Umabot na sa 19.4 bilyong piso ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nasa 26 percent o 3.2 million family beneficiaries na ang nakatanggap ng ikalawang ayuda sa pamamagitan ng manual at digital payouts.

Kabilang aniya sa mga nakatanggap ng ayuda ang mahigit 1.3 million 4Ps beneficiaries, 985,404 na pamilya na non-4Ps at 894,476 na nasa waitlisted families.


Sinabi ni Dumlao na 81,484 beneficiaries ang nadiskubre nilang nakatanggap ng higit sa isang ayuda batay na rin sa ginagawa nilang de-duplication process.

Mayroon namang 52,429 pamilya ang nakakuha ng SAP pero hindi kwalipikadong mabigyan ng ayuda.

Habang 10,862 pamilya ang boluntaryong nagsauli ng ayudang kanilang natanggap.

Facebook Comments