Pagbagsak ng bahagi ng kisame sa food court ng NAIA 3, iniimbestigahan na ng MIAA

Iniimbestigahan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) – Engineering Department ang dahilan nang pagbagsak ng bahagi ng kisame sa food court ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.

Kinumpirma naman ng MIAA-Media Affairs Division na walang nasaktan sa insidente dahil maliit na bahagi lamang ng kisame ang bumagsak kahapon ng madaling araw.

Nangyari ang pagbagsak ng kisame sa bahagi ng food court sa ika-apat na palapag ng paliparan.


Nagsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon dito ang pulisya.

Facebook Comments