Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasa ₱47.2 million na financial assistance sa mga indibiduwal at pamilya sa panahon ng krisis.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nagpapatuloy ang kanilang mga programa partikular ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na nakapagsilbi na ng kabuuang 7,351 beneficiaries mula March 29 hanggang April 12.
Sakop ng programa ang buong bansa.
Mula sa ₱47.25 million na ayuda, ₱32.1 million ay naipamahagi sa National Capital Region (NCR).
Ang iba pang rehiyon na natulungan ng programa ay Central Luzon na may 2,204 beneficiaries (₱8.59 million), CALABARZON na may 1,078 recipients (₱6.51 million).
Sinabi ni Bautista na patuloy na sinusuportahan ng ahensya ang pagbangon ng mga indibiduwal at pamilyang apektado ng krisis.
Ang ayuda ay ipinamamahagi sa pamamagitan ng iba’t ibang Crisis Intervention Units sa DSWD Central Office, Field Office (FOs) at satellite offices sa mga probinsya.
Sa ilalim ng AICS, ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng educational, medical, transportation, burial, at food at non-food assistance.
Ang mga benepisyaryo ay ang mga homeless families at iba pang vulnerable groups, indigent indigenous peoples, informal sectors, farmers at fisherfolks.