DSWD, nakapamigay na ng 2.9-milyon na ayuda sa mga locally stranded

Nakapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P2.192 milyon halaga ng ayuda para sa mga Locally Stranded Individuals (LSI) sa iba’t- ibang lokalidad na apektado ng community quarantine.

Kabilang dito ang 633 LSI na inilipat sa Villamor Airbase Elementary School at Philippine State College of Aeronautics sa Pasay City.

Binigyan na sila ng mga sleeping kit, sanitary kit at financial assistance na tig-P2,000 bawat isa.


Sumasailalim na rin sila sa Depression Anxiety Stress Scale ng ahensiya.

May sapat pang resources ang DSWD Field Offices para asistihan ang Local Government Units sa pangangailangan ng mga stranded individual.

Kabilang sa mga LSI ay mga Overseas Filipino Workers na nakakumpleto na ng mandatory 14-day quarantine at naghihintay na lamang ng flights sa kanilang pag-uwi.

Habang ang iba ay mga bakasyunista at pasahero na nakansela rin ang flights dahil sa community quarantine.

Facebook Comments