Umabot na sa P30.1 billion ang naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pitong milyong indibdiwal sa bansa na nakakaranas ng krisis dahil sa pandemya.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista, sa ilalim ito ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) kung saan kabilang ang tulong pang edukasyon, transportasyon, medikal at iba pa mula 2016 hanggang 2021.
Ilan pa sa mga tulong na ito ay cash, food assistance at psychosocial.
Ang programa ay pinapangasiwaan ng Crisis Intervention Units (CIUs), DSWD Central Office, Field Offices, and Social Welfare Development (SWAD) at iba pang satellite offices na nasa probinsya.
Facebook Comments