DSWD, nakipag-ugnayan na sa mga gobernador sa Central Luzon para sa karagdagang tulong kasunod ng nagdaang Bagyong Egay

Nakipagpulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tatlong gobernador ng Central Luzon para matulungan pa ang mga sinalanta ng Bagyong Egay, Bagyong Falcon at Habagat.

Nagtungo si Welfare Secretary Gatchalian para kausapin si Bulacan Governor Daniel Fernando at alamin pa ang pangangailangan ng lalawigan para sa mga naapektuhan ng kalamidad kung saan mas kailangan umano ngayon ang pagbibigay ng emergency cash transfer sa mga indigent citizen sa 17-most affected municipalities sa lalawigan.

Matapos makipag-usap kay Governor Fernando, sunod na pinuntahan at nakipagpulong ang kalihim kina Governor Dennis Pineda at Vice-Governor Lilia Pineda ng Pampanga.


Hiling naman nito ang karagdagang family food packs (FFPs) at iba pang augmentation support na kailangan ng mga residente.

Samantala, patuloy naman ang pamamahagi ng cash aid ng DSWD sa mga residente ng Santa Barbara, Calasiao, Dagupan, at Binmaley sa Pangasinan upang matulungan ang mga lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Facebook Comments