Iba pang inmates sa Bilibid, ililipat na rin sa Visayas at Mindanao

Nakatakda na ring ilipat sa Visayas at Mindanao ang ilang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gregorio Catapang Jr., hinihintay na lamang nila na matapos ang konstruksyon ng mga pasilidad sa Iwahig, Davao at Leyte Prison and Penal Farms.

Una nang nailipat sa Iwahig Prison and Penal Farm ang 500 persons deprived of liberty (PDLs) bilang bahagi ng decongestion sa Bilibid.


Habang mahigit 4,000 PDLs na rin ang napalaya mula sa ibat ibang mga bilangguan sa bansa.

Patuloy naman ang pagsasanay ng BuCor sa mga bagong tauhan nito.

Facebook Comments