Nagpamahagi ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa mga pamilyang na naapektuhan ng biglaang pagbaha sa bayan ng San Manuel at Aurora sa Isabela noong Agosto 14, 2022.
Namahagi ng Family Food Packs (FFPs) at 3,000 cash assistance ang kagawaran sa pangunguna ni Regional Director Cezario Joel Espejo sa mga nasalantang pamilya sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Sa inisyal na report ng mga lokal na pamahalaan, tinatayang nasa 7,000 ang pamilyang naapektuhan ng nasabing pagbaha sa mga bayan ng San Manuel at Aurora.
Nasa 5,000 pamilya ang naapektuhan sa San Manuel at may 2,000 pa mula sa Aurora.
Patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat at pag-validate ng DSWD ng mga bilang ng apektado at mga infrastructural damage ng nasabing pagbaha.
Facebook Comments