BFP REGION 2, TINANGHAL NA BEST REGIONAL OFFICE SA BUONG BANSA

41
Itinanghal ang Bureau of Fire Protection (BFP) Region 02 bilang Best Regional Office sa katatapos na selebrasyon ng 31st Anniversary ng BFP noong Agosto 15, 2022.

Ang selebrasyon ay may temang “Bumberong Makabayan, Modernong Serbisyo Alay sa Mamamayan”, na ginanap sa Davao City mula Agosto 13 hanggang Agosto 15.

Mismong si Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang nagbigay ng parangal at tinanggap naman ito ni BFP R2 Regional Director FCSupt Rizalde Manabat Castro kasama ang kanyang command at regional staff.

Nakakuha ng pinakamataas na rating sa “search for best regional office for calendar year 2022” na isinagawa ng BFP Central Office dahilan upang masungkit ng BFP Region 2 ang parangal.

Napanalunan din ng mga kawani ng Pamatay- Sunog Rehiyon Dos ang ilang kategorya kabilang ang Administrative skills, Implementation of Fire protection programs, Supervision and Implementation of Logistical programs, Financial Management, at Overall appearances of Offices/Station.

Ang kategorya ay dumaan at pumasa sa PRAISE o ang BFP-Programs on Awards and Incentives for Service Excellence ng National Headquarters.

Facebook Comments