DSWD, paiigtingin ang pagpapatupad ng social protection programs

Muling tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na paiigtingin nila ang pagpapatupad ng social protection programs at patuloy na ihahatid ang tulong ng gobyerno sa mga mahihirap at vulnerable communities sa bansa sa gitna ng COVID-19.

Ito ang pahayag ng kagawaran kasunod ng survey na isinagawa ng Innovations for Poverty Action (IPA) na ipinakikita na maayos na naipaaabot ang ayuda sa bawat pamilyang Pilipino.

Batay sa IPA Research for Effective COVID-19 Response (RECOVR) survey na isinagawa mula June 18 hanggang July 1, 89% ng Filipino households ang nakakuha ng suporta mula sa gobyerno sa panahon ng pandemya.


97% ang nakatanggap ng pagkain, habang 45% ang nakatanggap ng cash assistance.

Sa statement, sinabi ng DSWD na patunay ito na ang ahensya at iba pang national government agencies ay mabilis ang pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng mga tao sa gitna ng pandemya.

Maliban sa emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), ang DSWD ay naghahatid din ng family food packs at iba pang food at non-food items bilang resource augmentation support sa local government units (LGU) sa pagtugon sa basic food needs ng kanilang kababayan.

Ang IPA RECOVR survey ay isinagawa sa siyam na bansa kabilang ang Pilipinas.

Facebook Comments