Sisimulan na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng ₱500 ayuda sa mga mahihirap na Pilipino.
Ito ay matapos na ilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱6.5 billion na pondo na gagamitin para sa programa.
Sabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, nasa mahigit 12.4 million na benepisyaryo ang target nilang mabigyan ng cash assistance sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program.
Layon aniya nitong tulungan ang mga mahihirap na Pilipino na kabilang sa low income families sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin.
Facebook Comments