Babaeng Natagpuang Patay sa Luna, Isabela Tukoy na; Live-In Partner, Suspek sa Pamamaril

51
Cauayan City, Isabela- Tukoy na ang pagkakakilanlan ng babae na natagpuang may tama ng bala ng baril sa isang bakanteng lote sa Luna, Isabela kahapon, July 3, 2022.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt. Carlito Manibog, hepe ng PNP Luna, kinilala ang biktima na si Lyca Asirit, 20-anyos, residente ng Brgy. San Isidro sa nabanggit na bayan habang ang suspek ay nakilala sa pangalang ‘Loue’, 30-anyos na pawang tatlong buwan pa lamang na maglive-in partner.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, may pinagseselosan umano ang suspek na nauwi sa mainiting pagtatalo hanggang sa mabaril nito ang kanyang kinakasama.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober naman sa crime scene ang apat (4) na basyo ng bala ng baril habang nasa pangangalaga na ngayon ng kapulisan ang suspek makaraang madakip ng pulisya sa isang operasyon.

Paalala naman ni Manibog sa lahat ng maglive-in na habaan ang pasensya upang hindi mauwi sa karumal-dumal na krimen ang kanilang pagsasama.

Facebook Comments