Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektado ng bagyong Usman.
Kasabay nito mino-monitor na rin ng ahensya ang sitwasyon sa Davao Oriental na niyanig ng magnitude 7.2 na lindol.
Agad na nakapagpamahagi ang DSWD ng food packs sa mga mga pasahero na stranded sa mga pantalan dahil sa pagkakansela ng kanilang mga biyahe.
Kabilang sa nirespondehan ng ahensya ay ang mga stranded na pasahero sa Pilar, Sorsogon.
Sa Bicol Region, nasa 870 na family food packs ang naipamahagi sa mga pasahero sa Iloilo at Dumangas Port.
Sa Central Visayas, naasistehan din ang nasa 75 na indibidwal sa Pier 3 ng Cebu City port.
Ayon kay DSWD Spokesperson Glenda Relova, nakahanda na ngayon ang P1.27 billion na standby fund at mga relief goods sa mga biktima ng landslide.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD Northern Mindanao field office sa Governor Generoso, Davao Oriental para sa pangangailangan ng mga residente kasunod ng nangyaring paglindol doon.