Marawi City, Philippines – Muling nagpadala ng karagdagang 10,000 family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga evacuees sa Marawi City na apektado ng bakbakan sa lugar.
Katuwang ng ahensya ang kanilang mga field offices – namahagi sila sa regions 10 at 12 ng mga food pack na may lamang bigas, noodles, de lata at kape.
Namigay din sila ng mga non-food items gaya ng hygienic kit, kumot at banig.
Maging ang Department Field Office ng region 7 ay nagpadala rin ng karagdagang 15,000 hygiene kits para sa mga evacuees sa region 10.
Sa ngayon – aabot na sa P36.37 milyon ang naibibigay na tulong ng relief assistance ng ahensya sa mga apektadong pamilya.
Samantala – bukas naman ang DSWD na tumanggap ng local at foreign donations gayundin ng mga food at non-food items, makipag-ugnayan lamang sa kanilang mga field offices.
DZXL558