Kampo ni Napoles – muling naghain ng mosyon na mailipat ang tinaguriang pork barrel queen sa pangangalaga ng National Bureau of Investigation

Manila, Philippines – Umaasa ang kampo ni pork barrel queen Janet Lim Napoles na payagan ito ng Sandiganbayan fifth division na mailipat na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation.

Sa apat na pahinang mosyon na inihain ni Atty. Stephen David, sinabi nito na nanganganib ang buhay ng kanyang kliyente lalo na sa mga bagong developments ng kaso nito.

Kabilang na rito ang pahayag ni justice Secretary Vitaliano Aguirre na maaaring gawin itong state witness sa reinvestigation ng pork barrel scam.


Sa kasalukuyan – nasa kustodiya ito ng Bureau of Jail Management and Penology Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Una ng ipinawalang sala ng Court of Appeals si Napoles sa kasong illegal detention.
DZXL558

Facebook Comments