Nasa 50% na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa implementasyon ng pilot test ng food stamp program.
Ang food stamp program ay ang food credits na ibinibigay sa pinakamahihirap na pamilyang pilipino, na kanilang magagamit sa pagbili ng mga pangunahing pagkain.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DSWD Usec. Edu Punay, nasa ikatlong buwan na sila mula sa kabuuang anim na buwang pilot run ng Walang Gutom 2027 Program.
Katumbas ito ng ₱23 million na halaga na ng food grants ang naipaabot sa higit 2,000 pamilya, mula sa Tondo, Maynila, Siargao, Isabela, Camarines Sur, at Maguindanao.
Target ng DSWD na itaas pa ito 300k na benepisyaryo bago tumulak sa full implementation sa Hulyo.
Facebook Comments