Online middleman scam, ibinabala ng PNP-ACG

 

Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ang publiko hinggil sa middleman scam sa Facebook (FB) marketplace at iba pang online-selling platform.

Ito’y matapos na maaresto kamakailan ng ACG ang isang alyas Juan na nagpanggap na nagbebenta ng internet modem sa FB market place.

Modus ng suspek na kumbinsihin ang kanyang biktima na bayaran ang inorder nitong 10 modem sa pamamagitan ng e-wallet kung saan gumamit ang suspek ng transaction receipt para makipagtransaksyon sa lehitimong seller.


Nabisto namang scam ang suspek matapos maberipika ng lehitimong supplier na walang perang pumasok sa kanyang account.

Natunton naman ang scammer sa tulong na rin ng delivery rider.

Payo ng pulisya sa publiko na beripikahing mabuti ang mga online seller sa pamamgitan ng kanilang user rating at review upang maiwasang mabiktima ng mga kawatan.

Facebook Comments