Nagsasagawa ng konsultasyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang legal experts para tiyaking ang pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ay naaayon sa batas.
Ito ay sa harap ng napipintong expiration ng Republic Act 11649 o Bayanihan to Heal as One Act sa June 25.
Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, humihingi sila ng legal advice kung maaari ba silang magpatuloy sa second phase ng SAP na hindi hinihintay ang pagpasa ng Bayanihan to Recover as One Bill o Bayanihan 2.
Sinabi ni Paje na determinado silang umpisahan ang second tranche bago mag-expire ang Bayanihan Act.
Muli ring sinabi ni Paje na maaaring magsimula ang DSWD sa pamamahagi ng cash aid ngayong linggo.
Una nang sinabi ng Malacañang na ang second wave ng subsidies ay magpapatuloy kahit mapaso ang Bayanihan 1.