Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na mag-ingat sa tinatawag na telephone scam.
Nakatanggap ng sumbong ang ahensya mula sa nabiktima ng naturang modus na nagsabing tinawagan siya ng isang nagpapakilalang kawani ng DSWD.
Hinihingi umano ng scammer ang kaniyang vital information, gaya ng bank account number, kapalit ng pangakong maire-release ang kaniyang unclaimed COVID-19 cash aid.
Babala ng DSWD sa publiko, huwag ibibigay ang mga detalye ng kanilang mga sensitibong impormasyon
Dagdag pa sa advisory, hinding-hindi hihingin ng ahensya ang mga vital information ng kanilang mga kliyente dahil lalabagin nito ang Data Privacy Act of 2012.
Sa ngayon, pinalawig ng DSWD ang mga financial assistance nito kabilang na ang mga COVID-19-related services na pinangangasiwaan ng Crisis Intervention Unit ng ahensya.
Ang mga CIU clients ng ahensya ay sumasailalim sa assessment para makapag-avail ng assistance.
Para makaiwas sa mga scammer, ugaliing bisitahin ang official Facebook page ng DSWD.