Association of Career Executives ng DENR, nagpahayag ng suporta sa bagong kalihim Yulo-Loyzaga

36

Nagpahayag ng suporta ang Association of Career Executives (ACE) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanilang bagong kalihim na si Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga.

Sa isang nilagdaang Board Resolution, ipinahayag ng ACE na ang pagtatalaga kay Yulo-Loyzaga ay isang “welcome development dahil tiyak na mapapangasiwaan ang pantay at balanseng pakinabang ng susunod na henerasyon sa likas na yaman ng bansa.

Ayon kay ACE President Jonas R. Leones, mga programa ng DENR ay nakahanay sa Philippine Development Plan.


Ito ang aniya ang “foundational guide para sa inclusive growth” ng bansa.

Isinagawa ngayong araw ng DENR executive committee ang turnover at briefing para sa bagong kalihim partikular na ang tungkol sa mga prayoridad, plano at programa ng DENR.

Facebook Comments