Nakatanggap na ng pinansiyal na tulong mula sa gobyerno ang halos walong daang dating rebeldeng komunista sa Region 12.
Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Director Cezario Joel Espejo na ang bigay na tulong ay pangako ng gobyerno sa mga rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan sa ilalim ng End the Local Communist Armed Conflict.
Bukod sa cash benefits, suportado rin sila ng mga food packs para ma sustain ang kanilang pangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa panig naman ng mga dating rebelde, umaasa sila na magtuloy tuloy na ang suporta ng gobyerno lalo na sa usapin ng edukasyon na kailangan ng mga susunod nilang henerasyon.
Facebook Comments