Manila, Philippines – Umapela sa publiko ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na huwag mag-abot ng limos sa mga street children at mga katutubo.
Sa halip na magbigay ng limos ngayong panahon ng Pasko, mas mabuti kung mag-organisa na lamang gift-giving at caroling activities, feeding sessions, story-telling at medical missions.
Sa pamamagitan nito ay mailalayo ito sa mga gilid ng kalsada na lubhang mapanganib sa kaligtasan.
Pinalakas pa ngayon ng ahensiya ang Comprehensive Program for Street Children, Street Families at Indigenous Peoples para mabigyan ng tulong ang pamilya ng mga batang nakatira sa gilid ng lansangan.
Facebook Comments