DSWD, pinasinungalingan ang overpriced na hygiene kit sa mga internally displaced persons sa Marawi

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development na walang overpriced sa presyo ng mga hygiene kit na ipinamamahagi sa mga pamilya na naapektuhan ng krisis sa Marawi City.

Tugon ito ng dswd sa isyu sa kumakalat sa social media na nagkakahalaga lamang ng humigit kumulang 500 piso ang laman ng hygiene kit na ibinibigay sa mga pamilya.

Pero lumalabas sa family assistance record ng internally displaced, persons ng DSWD Field Office sa Region 12 na aabot sa 1,825 pesos ang halaga ng hygiene items na makukuha ng bawat pamilya.


Paliwanag ni DSWD field office 12 Director Zorahayda Taha , talagang kulang at hindi pa kumpleto ang mga ibinibigay na hygiene items dahil hindi pa naidedeliver ng supplier ang lahat na items na kinakailangan dito.

Pero, walang dapat ipag alala ang mga nagbabalik na bakwit dahil kapag nakumpleto na ang delivery ng supplier agad na ipagkakaloob ito sa kanila.

Tiniyak din ni DSWD oic Emmanuel Leyco sa mga pamilya sa Marawi na makakaasa pa sila ng karagdagang relief assistance mula sa pamahalaan hanggat hindi naibabalik ang normal na kabuhayan sa nawasak na lungsod.

Facebook Comments