DSWD, pinayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa LGU sa pagsasagawa ng gift-giving activities para sa mga batang lansangan

Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa pagbibigay ng limos sa mga batang lansangan at indigenous peoples (IPs) ngayong holiday season, dahil ma-e-expose lamang sila sa iba’t ibang health at safety hazards.

Ayon sa DSWD, naiintindihan nila ang ilan na nais tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa panahong ito.

Pero dapat ding ikonsiderang inilalayo ang mga batang lansangan at IPs sa anumang banta sa kanilang kalusugan at kaligtasan.


Sa halip na magbigay ng limos sa kalsada, ang mga gustong tumulong ay maaaring magsagawa ng gift-giving activities, feeding sessions, o medical missions sa tulong ng Local Government Units (LGUs) alinsunod sa health at safety protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang pagbibigay ng limos sa kalsada ay mas makakahikayat lamang sa mga batang lansangan at IPs na gumala-gala sa lansangan.

Nakiusap ang DSWD sa publiko na ipagbigay alam sa kanila kapag may makita sila ng mga ganito na nasa mga kalsada.

Facebook Comments