DSWD, pursigido na tulungan ang mga recovering drug personalities

Inatasan na ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang mga kawani nito na mag-ambag sa mga pagsisikap ng ahensiya para tulungan ang mga recovering drug personalities.

Ang hakbang ng DSWD ay bahagi ng pagpapalakas ng adbokasiya ng DSWD sa pagbabagong buhay ng mga drug dependents.

Naniniwala si Bautista na mula sa pagiging surrenderers malaki ang posibilidad na magbago pa sila at hindi malayong maging produktibong lider ng komunidad sa pamamagitan ng Yakap Bayan Framework of Interventions.


Ang Yakap Bayan ay isang inter-agency collaborative framework kung saan pinagsama-sama ang lahat ng existing na programa ng gobyerno, proyekto, mga resources at mga aktibidad.

Layon nito na makabuo ng isang holistic at sustainable approach para sa rehabilitasyon, pangangalaga, reintegration at provision of support services para sa RDPs.

Nagbibigay din ito ng financial assistance para sa mga qualified beneficiaries sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD at referral sa TESDA.

Sinabi pa ng kalihim ang pakikiisa ng mga kawani ng ahensiya sa anti-drug initiatives ay magsisilbing magandang halimbawa sa mamamayan para suportahan ang inisyatibo ng pamahalaan sa rehabilitasyon ng mga recovering drug personalities.

Facebook Comments