DSWD REGION 1, NAKAHANDA NGAYONG OPISYAL NANG IDINEKLARANG PANAHON NG TAG ULAN; FOOD AND NON-FOOD PACKS,NAKAANTABAY DIN

Nakahanda na ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development Office Region 1 na tugunan ang mga pangangailangan sa gitna ng kalamidad.

Ayon kay Maricel Calleja, Chief ng Disaster Management Division ng DSWD RO1, na mayroon ang ahensiya ng aabot sa 30,000 na food and non food packs na nakaimbak sa kanilang tanggapan na nakahanda namang idistribute sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng kalamidad ngayong pumasok na nga ang tag ulan.

May kabuuang 2, 500 family food packs ang nakahanda sa Regional Evacuation Center sa bayan ng Sta. Barbara at 1, 000 na food packs sa satellite offices ng ahensiya sa bayan ng Rosales habang 2, 000 food packs din sa satellite office sa Alaminos City.


Mayroon ding tatlong milyong pisong standby fund na idadagdag kung kakailanganin. Ang bawat food packs din umano ay nagkakahalaga ng aabot sa tig limang daang piso na naglalaman ng bigas, mga de lata, mga kape at ilang essentials.

Ang magiging sistema ng pamamahagi nito ay nakadepende sa request ng bawat LGUs na siniguro ng ahensiya na dumadaan ito sa tamang proseso upang maiwasan ang aberya at doble serbisyo at sinisiguro na makakarating ang mga ito sa mga nangangailangan ng tulong.

Facebook Comments