Cauayan City, Isabela-Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 na makukumpleto nila ang listahan ng mga mahihirap na pamilya sa rehiyon dos sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) o mas kilala bilang Listahan Program.
Hindi pa rin tumitigil ang DSWD Region 2 sa kanilang isinasagawang assesment at reassessment upang makumpleto ang ‘project listahan’.
Matatandaang binuksan ng ahensya ang pagtanggap ng mga hinaing sa pamamagitan ng online community desk noong nakaraang taon upang bigyang daan ang mga mahihirap na pamilyang hindi naabot ng programa at muling mabigyan ng pagkakataon na sumailalim sa reassessment.
Ang mga natanggap na hinaing ng Barangay Verification Team (BTV) at Local Verification Committee (LVC) ay dadaan sa pagsusuri at interview mula sa Listahanan Enumerators gamit ang Household Assesment Form (HFA).
Ang mga pamilyang mapapabilang sa Listahan Program ng DSWD ang siyang pangunahing prayoridad ng gobyerno na tatanggap sa mga darating na proyekto nito.