DSWD-RO2, Tumanggap ng Tone-toneladang Bigas mula Korea

Cauayan City, Isabela-Tumanggap ng sako-sakong bigas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 mula Republic of Korea sa pamamagitan ng ASEAN Plus Three Rice Reserve (APTERR) para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilya.

Ayon kay Ginang Mia Edsell Carbonel, Information Officer ng Disaster Division ng DSWD-RO2, sinabi nito na ipapamahagi ng ahensya ang 100 cavan ng bigas sa bawat Local Government Unit (LGUs) sa rehiyon dos.

Aniya, hiwalay na bibigyan ng 125 na cavan ng bigas ang dalawang coastal town ng Isabela ang Bayan ng Maconacon at Divilican.


Sinabi pa ni Carbonel, pansamantalang nasa mga warehouse ng National Food Authority ang ilang sakong bigas dahil sa kakulangan ng mapag-iimbakan.

Una nang nagbigay ng kabuuang 8,750 na hinati sa 1,250 na sako ng bigas sa bawat probinsya sa Lambak ng Cagayan.

Sa ngayon ay Bayan ng Solano at Cordon pa lang ang inisyal na nabibigyan ng sakong bigas mula sa bansang Korea.

Facebook Comments