Estudyante, hinuli sa Batangas dahil sa umano’y pekeng travel pass

Arestado ang isang 22-anyos na estudyante matapos mahuli ng awtoridad na peke ang ginagamit nitong travel pass sa pantalan sa Batangas City.

Sa ulat ng pulisya, Linggo nang bumiyahe ang babae galing sa Laguna na noo’y pauwi sana sa Oriental Mindoro.

Siniyasat daw nila ang pass nito ngunit hinala raw nila ay peke dahil nasa cellphone lang ang kopya nito.


Wala rin umanong makitang pirma ni CALABARZON Police chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr., ang naturang pass.

Napag-alamang nagmamadali na palang umuwi ang babae kaya pineke ang nasabing dokumento.

Samantala, agad namang nakapagpiyansa ang estudyante matapos lumaba sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases na ayon sa mga pulis ay paglabag din sa lockdown.



Facebook Comments